Umani ng samu’t saring reaksyon ang Kapamilya actress na si Jane de Leon matapos ang kanyang pag-iyak sa “PBB Celebrity Collab Edition” noong Mayo 31. Tatlong araw siyang nanatili bilang celebrity house guest sa Bahay ni Kuya, kung saan nabuo ang mabilis ngunit malalim na koneksyon sa mga housemates.