Gerald Anderson, Nilinaw: “Never Ako Naging Cheater”
Sa isang matapang na panayam sa "Toni Talks", hinarap ni Gerald Anderson ang matagal nang paratang sa kanya bilang isang "cheater" at "babaero." Mariin niyang itinanggi ito at iginiit na hindi siya kailanman nangaliwa sa kanyang mga naging relasyon.
"No!" ang direktang sagot ni Gerald nang tanungin siya ni Toni Gonzaga kung siya ba ay nag-cheat. Aniya, "Alam n'yo kung sino 'yung mga naging girlfriends ko... 'Pag sila 'yung girlfriend ko, sila talaga. Walang iba."
Bagamat itinanggi ang pandarayang isyu, aminado ang aktor na marami siyang pagkukulang sa mga naging relasyon niya noon. Ayon sa kanya, hindi siya naging mahusay na partner, at kadalasan, siya ang naging dahilan ng pagkasira ng mga ito.
“It was more on my part… I could've been a better person, a better partner. I should've been better sa process na 'yun,” ani Gerald. Dagdag pa niya, "Hindi ko alam kung paano i-handle... selfish reasons... mas importante sa akin 'yung trabaho ko, 'yung image ko."
Sa huli, inamin niyang ang career at imahe na inuna niya ay siya ring nasaktan sa proseso. “’Yun pala ’yung pinakatinamaan—’yung career ko, ’yung image ko,” sabi niya.
Sa kabila ng mga isyung kinaharap, nagpakatotoo si Gerald sa pag-amin ng kanyang mga pagkukulang—isang hakbang tungo sa personal na paglago at posibleng second chance sa paningin ng publiko.
No comments:
Post a Comment