Nagbigay ng nakakatuwang reaksyon si Anne Curtis sa isang kwelang “survey” na ginawa ng “It’s Showtime” kaugnay ng kanyang presensya sa noontime show.
Image: YouTube/It's Showtime
Sa opisyal na X (dating Twitter) page ng “It’s Showtime,” ibinahagi ang isang art card kung saan makikitang si Anne ay may “mataas na attendance trust ratings,” batay sa diumano’y “Showtime Research Survey.” Ang caption ng post:
“LOOK: Based on a Showtime Research survey conducted on June 4, 2025, Anne Curtis earns high attendance trust ratings — many Filipinos believe she will show up for work tomorrow on #ItsShowtime.”
Game na game itong nire-tweet ni Anne at agad din niyang ipinaliwanag kung bakit siya absent sa episode ng Huwebes, June 5.
“Good morning! Maraming salamat sa survey,” ani Anne. “Moving up day ng aking mahal na Dahlia, so I will not be on Showtime today.”
Ngunit agad din niyang siniguro sa Madlang People na muli siyang magbabalik sa show kinabukasan:
“BUT I shall see you on Showtime tomorrow Madlang Peeps!”
Matatandaang kamakailan lang ay nagbalik si Anne sa show matapos ang ilang buwang break para pagtuunan ng pansin ang mga personal na proyekto. Mula Lunes hanggang Miyerkules ngayong linggo, sunod-sunod ang kanyang naging paglabas sa show — dahilan ng kasiyahan ng kanyang fans.
Tila lalo pang minahal ng netizens si Anne dahil sa kanyang sense of humor at pagiging transparent sa kanyang mommy duties kay Dahlia.
Good morning! Maraming salamat sa survey. Moving up day ng aking mahal na Dahlia, so I will not be on Showtime today 😭 BUT I shall see you on Showtime tomorrow Madlang Peeps! https://t.co/LJ0u00ty86
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) June 5, 2025
3-DAY STREAK ENDS 👑
— It's Showtime (@itsShowtimeNa) June 5, 2025
LOOK: Miss Anne Curtis breaks her 3-day attendance streak on #ItsShowtime as the actress-singer-host misses the program on Day 4.#ShowtimeANNEyare #ABSCBN https://t.co/Axj2nUBJT3 pic.twitter.com/TanovzW5JL
No comments:
Post a Comment