Proud na ibinahagi ni Kapuso actor Tom Rodriguez ang larawan kasama ang kanyang anak at non-showbiz partner, pero may twist—nakatalikod silang lahat at hindi kita ang kanilang mga mukha.
Kaya kahit pa "family reveal" ito sa unang tingin, misteryo pa rin sa netizens kung ano nga ba ang itsura ng kanyang mag-ina.
Pero ayon kay Tom, hindi ito pagtatago kundi isang paraan ng pagprotekta. Sa caption ng kanyang post, sinabi niya: “This isn’t about hiding…it’s about holding.” Dagdag pa niya, “Holding close what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play.”
Itinuturing ni Tom na “sanctuary” o kanlungan ang kanyang pamilya sa gitna ng magulong mundo ng showbiz. “This family of mine is my sanctuary…My peace. And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real,” pahayag pa niya.
Matatandaang noong Nobyembre 2024 unang ibinunyag ni Tom na isa na siyang ama kay Baby Korben, bunga ng relasyon niya sa isang non-showbiz partner na dalawang taon na rin niyang karelasyon.
Para kay Tom, ang pribadong buhay ay nararapat manatiling pribado. Kaya kahit proud siya, mas pinili niyang hindi isapubliko ang mukha ng anak at partner upang mapanatili ang katahimikan ng kanilang pamilya.
No comments:
Post a Comment