Umani ng samu’t saring reaksyon ang Kapamilya actress na si Jane de Leon matapos ang kanyang pag-iyak sa “PBB Celebrity Collab Edition” noong Mayo 31. Tatlong araw siyang nanatili bilang celebrity house guest sa Bahay ni Kuya, kung saan nabuo ang mabilis ngunit malalim na koneksyon sa mga housemates.
Sa isang bahagi ng episode, hindi napigilan ni Jane ang mapaluha nang tuluyan na siyang magpaalam sa mga kasamahan. Sa kanyang paglabas at pagharap kina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia, ramdam ang bigat ng kanyang emosyon.
Ngunit habang may mga naantig sa kanyang pagiging totoo, marami rin ang nainis at napa-OA-an sa kanya. Maraming netizens ang nagsabing tila siya raw ang na-evict, at hindi sina Xyriel Manabat at Vince Maristela. May nagsabi pa na “eksena-stealer” umano ang aktres at sinayang ang airtime na dapat ay para sa mga evictees.
Ilan sa mga negative comments ay:
-
“Si Jane de Leon parang na-evict sa PBB, nahiya ‘yung mga totoong evictees.”
-
“OA mo teh, ikaw ba ang housemate?”
-
“Sayang airtime, dapat ‘di muna siya nagsalita.”
Gayunpaman, may mga tagasuporta rin siyang nagtanggol sa aktres, sinabing tunay ang kanyang emosyon at na-pressure lang siya, gaya ng mga totoong housemates.
"She's human. She's allowed to feel," ayon sa isang defender ni Jane sa social media.
Ang eksenang ito ay patunay na sa mundo ng showbiz, bawat emosyon ay sinusukat, hinuhusgahan, at minsan ay hindi nabibigyan ng sapat na pang-unawa. Sa kabila ng pambabatikos, nanindigan ang ilan na ang ipinakita ni Jane ay bahagi ng kanyang pagiging totoo—isang bagay na bihirang makita sa harap ng kamera.
No comments:
Post a Comment