Euleen Castro, Durog Kay Rendon Labador Dahil sa Negang Food Review

 


Durog na durog ngayon sa social media ang content creator na si Euleen Castro, mas kilala bilang Pambansang Yobab, matapos ang kanyang mapanirang food review sa isang kilalang coffee shop sa Iloilo.


Sa viral na TikTok video, hindi pinalampas ni Euleen ang pagkain ng naturang café at buong tapang na sinabi:

"Nag-try kami dito sa Coffeebreak. Andami. Out of all of you... walang masarap. Even the drinks. Even the lasagna. Lahat tabang... Ni isa? Pta.”*

Dahil dito, inulan siya ng batikos mula sa netizens at mismong pamunuan ng coffee shop ay nagpahayag ng pagkadismaya. Sa kanilang official statement, iginiit nila na bukas sila sa feedback, ngunit ikinabigla nila ang paggamit ng “strong and explicit language.” Para sa kanila, ang kritisismo ay maaaring maipahayag nang may respeto at malasakit sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng negosyo.

Hindi rin nagpalampas si Rendon Labador, na kilala sa pagiging matapang at diretsong magkomento sa mga isyu. Sa serye ng Facebook posts, tahasan niyang tinuligsa si Euleen at sinabing:

“PAALALA PO: Hindi ginawa yung ‘NO TO BODY SHAMING’ para maka ligtas po kayo sa mga katangahan ninyo… Titignan muna ang itsura mo bago pakinggan ang mga sasabihin mo.”

Binira ni Rendon ang umano'y paggamit ni Euleen ng “no to body shaming” bilang panangga sa mga pambabatikos. Aniya, hindi dapat ikubli ang hindi magandang asal sa likod ng advocacy. Dagdag pa niya:

“Okay lang mag negative feedback, pero sana yung feedback na hindi naman up to the point na masisira na image nung business… Yung babae kasi laman lang ng tiyan ang problema niya, yung negosyante madaming responsibilidad.”

Sa dulo, pinayuhan ni Rendon si Euleen na mag-gym na lang kaysa manira ng negosyo, at binigyang-diin na ang respeto at kabutihang asal ang tunay na sukatan ng isang influencer.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-ulan ng negatibong komento kay Euleen habang pinupuri naman si Rendon ng ilan sa kanyang matapang na paninindigan.


No comments:

Post a Comment

Blog Archive