GMA Nakikipag-Collab na sa Iba—Iiwan Na Nga Ba ang ABS-CBN?

 



Nagulat ang industriya nang lumabas ang entry ng GMA Pictures at Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2025, tampok ang mga PBB housemates. 


Para sa maraming tagasubaybay, nasayang ang mahusay na track record ng GMA Pictures sa nakaraang dalawang taon sa kanilang MMFF entries na Green Bones (2024) at Firefly (2023).


Bukod dito, kapansin-pansin na gumawa sa ibang bakuran ang kilalang manunulat na si Zig Dulay, na nag-iwan ng katanungan kung bakit tila may distansya sa dating kasamahan.


Hindi rin naging maganda ang resulta sa takilya at wala pang award na nakuha ang kolaborasyon ng GMA Pictures at Star Cinema, na nagdulot ng tanong sa marami: kailangan na ba ng GMA na humanap ng bago, ngunit dati nang partner sa telebisyon, para sa mas matibay na produksiyon?


Ang pakikipag-sanib-pwersa sa Viva kamakailan ay nagpapakita na tuloy-tuloy ang mga pagpupulong ng dalawang kumpanya upang muling pagtibayin ang dati nang naputol na partnership.


Maraming programa noon ng GMA na may tatak Viva ang naging hit sa telebisyon, kabilang ang TGIS, Ana Karenina, Ikaw na Sana, Viva Spotlight, Mikee, Dear Mikee, Ober Da Bakod, Gillage People, Mikee Forever, Villa Quintana, Growing Up, Halik sa Apoy, at Ganyan Kita Kamahal. Mayroon ding mga pelikula kamakailan tulad ng Videocity: Be Kind Please Rewind at Playtime.


Kaya hindi na nakapagtataka kung sa hinaharap, posibleng mag-co-produce ang GMA at Viva hindi lang sa MMFF, kundi maging sa noontime at primetime programs. Ang tanong na nananatili: iiwan na nga ba ng GMA ang ABS-CBN, o ito ay isang estratehikong hakbang upang palawakin ang kanilang kolaborasyon sa industriya?

No comments:

Post a Comment