Sanggre Patuloy na Sinusupalpal si Tanggol, Patok sa Advertisers si Totoy Bato!

 



Damang-dama ang magic ng mga Sang’gre matapos muling supalpalin ng Encantadia Chronicles: Sang’gre ang Batang Quiapo base sa pinakahuling Nielsen NUTAM aggregated ratings nitong Miyerkules, January 7, 2026.


Nakapagtala ang Sang’gre ng 9.6 rating points, habang 5.8 rating points lamang ang naitala ng Batang Quiapo. Kapansin-pansin ding walang naitalang numero ang ALLTV2 sa naturang data.


Samantala, patok na patok sa advertisers ang parehong Sang’gre ng GMA at Totoy Bato ng TV5. Lalo pang lumalakas ang Kapatid action series na Totoy Bato mula nang ilipat sa 8:00 PM timeslot pagkatapos ng Frontline Pilipinas, kung saan nakikita ang tuloy-tuloy na pag-angat ng ratings nito.


Ayon sa isang ad agency na aming nakausap:

“Natutuwa sila sa takbo ng kwento ng Totoy Bato dahil may direksyon ang script at hindi paikot-ikot para mapahaba lang ang serye.”

 

Dagdag pa ng parehong ad agency, excited din ang advertisers sa upcoming shows ng TV5, lalo na ang much-awaited interactive game show na “Wilyonaryo” ni Mr. Willie Revillame.


Tinataya rin ng nasabing ahensya na mas tataas pa ang ratings ng Totoy Bato at primetime block ng TV5, lalo’t mas malawak ang naaabot nitong audience kumpara sa ibang istasyong inuupahan dati ng kanilang blocktimer.


Makikita sa official rating card ng GMA Network ang nasabing mga numero bilang subscriber ng Nielsen Philippines, na ngayo’y batayan ng media buyers, advertisers, at broadcast stakeholders.


No comments:

Post a Comment