Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong bansag kay Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate at singer Klarisse de Guzman bilang “Next Comedy Concert Queen”—isang titulong matagal nang iniuugnay kay Ai Ai delas Alas.
Sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi lang lumutang ang husay ni Klarisse sa pagkanta kundi maging ang kanyang natural na karisma sa pagpapatawa. Ayon sa ilang netizens at maging sa kanyang mga housemates, standout raw si Klarisse bilang komedyante sa national TV—kaya naman may mga nagsasabing siya na raw ang karapat-dapat na susunod sa trono ni Ai Ai.
Sa panayam niya sa “On Cue with MJ Felipe,” tinanong si Klarisse kung handa ba siyang tanggapin ang titulong ito:
“Parang gano’n na, parang next to Ms. Ai Ai. Ha-hahaha!” sabay tawa niya.
“Siyempre nandu’n pa rin, singer pa rin tayo. Kasi ‘yung pagiging komedyante ko, ‘yun talaga ako.”
Bukod pa riyan, kinumpirma rin ni Klarisse na may niluluto nang major concert para sa kanya, na posibleng magpakita hindi lamang ng kanyang vocal prowess kundi pati na rin ng kanyang comedic timing.
Reaksyon ng Netizens
Mixed ang naging reaksyon ng mga fans at netizens:
-
“Deserve naman niya. Magaling siya kumanta, tapos nakakatawa pa. Total package talaga.”
-
“Wag na ikumpara kay Ai Ai, may sariling identity si Klarisse. Nation’s Mowm siya!”
-
“Di lang siya biritera, birit na may halong patawa. Winner!”
-
“Next Comedy Concert Queen? Pwede. Pero mas bet ko ‘Nation’s Mowm.’”
-
“OA Diva nga, pero in a good way. Aliw siya sa PBB.”
May ilan din namang hindi pabor sa paghahambing:
-
“Hindi pareho ng style. Si Ai Ai kasi slapstick, si Klarisse witty at natural lang.”
-
“Wag ipilit, Klarisse is Klarisse. Let her shine on her own terms.”
Ai Ai, Anong Say Mo?
Sa ngayon, wala pang direktang pahayag si Ai Ai delas Alas ukol sa isyu, pero inaabangan na ng marami ang magiging reaksyon ng Comedy Queen—lalo na’t kilala rin ito sa kanyang pagiging supportive sa mga bagong talento, basta't marunong lumugar at may respeto sa sining.
Klarisse: The Nation’s Mowm?
Habang may mga tumatawag sa kanya ng Next Comedy Concert Queen, tila mas maraming netizens ang mas bet ang bansag na “Nation’s Mowm”—isang mas playful at unique na titulo na naglalarawan sa kanyang pagiging kwela, relatable, at mahal ng masa.
Sa totoo lang, sa dami ng kanyang talento—mula sa birit, hugot, hanggang sa punchlines—posible ngang si Klarisse de Guzman ang susunod na multi-hyphenate queen ng OPM at showbiz. Ang tanong na lang: handa na ba siyang umarangkada sa isang concert na puno ng tawa, kanta, at kwento?
Abangan na lang natin. Mowm klarong-klaro, ikaw na!
No comments:
Post a Comment