Aktor na si Nico Antonio, ganap nang abogado matapos pumasa sa 2025 Bar Exam

 




Opisyal nang abogado ang aktor na si Nico Antonio matapos mapasama sa 5,594 na pumasa sa 2025 Bar Examinations mula sa kabuuang 11,420 examinees. Kilala si Nico sa kanyang karakter na Atty. Willie sa pelikulang UnMarry, kung saan abogado rin ang kanyang ginampanang role.


Bagama’t matagal nang aktor, isinabay ni Nico ang pag-aaral at pagre-review para sa Bar Exam. Ayon sa kanyang ina at Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso, nakapagtapos si Nico ng Law noong 2014 ngunit hindi agad nakapag-take ng Bar dahil sa sunod-sunod na trabaho at responsibilidad sa pamilya. Noong nakalipas na tatlong taon lamang muling itinuloy ni Nico ang pagre-review habang kasabay pa ring nagsu-shoot ng TV at pelikula.



Sa kwento ni Atty. Joji, tumulong siya at ang kapatid ni Nico sa bar operations, habang ang asawa nitong si Angel at kanilang dalawang anak naman ang sumalubong sa kanya matapos ang mga exam. Emosyonal ding ibinahagi ni Atty. Joji na isa na siyang ina ng tatlong abogado, at lubos ang kanyang pasasalamat sa biyayang ito.


Ang tagumpay ni Nico ay inaasahang magpapataas pa ng interes sa mga pelikulang may temang abogado gaya ng UnMarry at Bar Boys: After School. Ang UnMarry, na pinrodyus ng Quantum Films at may investment din mula kay Min Bernardo, ay nakatanggap ng magagandang review at lumawak ang screening mula less than 100 hanggang 146 cinemas pagpasok ng Bagong Taon.


Congratulations, Atty. Nico Antonio!

No comments:

Post a Comment