Nagbigay ng diretsahang payo ang komedyante at beteranang aktres na si Pokwang sa Kapamilya artist at Pinoy Big Brother Gen 11 housemate na si Fyang Smith, matapos itong magpahayag ng kumpiyansang walang makakatalo sa kanilang batch.
Sa isang viral video, sinabi ni Fyang:
“Kahit ilang batch pa ‘yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello, Gen 11… hindi, joke lang. Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood kaya gano’n ‘yung mga ugali namin.”
Bagama’t tila may halong biro ang kanyang pahayag, hindi ito pinalampas ni Pokwang. Sa kanyang social media post, sinabi ng aktres:
“My God iha, 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto—BE HUMBLE.”
“Naka-ilang PBB season na ang nasaksihan ko pero iilan na lang silang active sa showbiz. So iha, please wag muna magyabang, bad ‘yan.”
Marami ang pumabor sa payo ni Pokwang, na kilala sa kanyang prangkang personalidad. Umani ito ng suporta mula sa mga netizens na nagpahayag ng kani-kanilang opinyon:
-
“I’m with Pokwang on this, HAHAH!”
-
“Bet ko ang pagsawsaw ni momshie Pokie, laveet!”
-
“Go lang ng go, Fyang. 😂”
-
“Maganda naman si Fyang, puwede siya mag-model. Pero stay still and stay quiet muna.”
-
“I think Fyang is just misunderstood.”
Sa ngayon, wala pang direktang sagot si Fyang Smith sa pahayag ni Pokwang. Gayunpaman, naging mainit ang palitan ng opinyon sa social media, na nagpapakita ng pagkakahati ng pananaw ng publiko—ang ilan ay nakikitang confidence lang ito ng isang baguhan, habang ang iba ay naniniwalang mahalaga pa rin ang pagiging mapagpakumbaba sa showbiz.
No comments:
Post a Comment