IT’S SHOWTIME: Nilalabag nga ba ang Kontrata sa GMA Network?

 



Marami umano sa Kapuso fans at empleyado ng GMA Network ang dismayado sa ilang nakikitang aksyon ng kasalukuyang noontime show na It’s Showtime


Ayon sa bulung-bulungan sa loob ng network, tila may mga pagkakataon na pinopromote ng programa ang ibang channels o networks, bagay na posibleng labag sa kontrata ng show sa GMA.

Wala sa kasunduan umano ang pahintulot para banggitin o ipromote ang ibang istasyon kung saan umeere ang It’s Showtime o ang mga Kapamilya programs. Kapansin-pansin umano ang ilang pangyayari:

  • Umeere sa GMA ang Christmas slogan ng Kapamilya noong nakaraang buwan.

  • Lumabas sa GMA ang news studio ng ABS-CBN News Channel (ANC), na ikinagulat ng mga empleyado.

  • May mga paningit na pagbanggit ng mga hosts para ipromote ang ibang programa o pelikula kahit sa GMA ito ipinapalabas.

Dagdag pa ng ilan, hindi rin umano maganda ang pakikisawsaw ng hosts sa usaping pulitikal, dahil ayon sa kanila, ito ay saklaw ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News, hindi ng noontime show.

Sa kasalukuyan, wala pang natatanggap na reklamo ang It’s Showtime mula sa MTRCB. Ang huling reklamo ay noong nakaraang taon laban sa Pinoy Big Brother Collab 2.0 Teen Edition kaugnay sa “Gender Sensitivity,” na ini-review ng MTRCB matapos itong ireklamo ng grupong Gabriela at ilang eksperto sa batas.

Marami ang nagtatanong ngayon kung may nilalabag nga ba sa kontrata ang show, o kung ito ay simpleng pagkukulang lamang sa coordination. Isa itong isyu na patuloy na minomonitor ng Kapuso fans at empleyado ng network.

No comments:

Post a Comment