Ipinahayag ni Senator Imee Marcos nitong Miyerkules, Enero 7, 2026, na wala siyang planong tumulong kung muling susubukang magkaroon ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
“Wala akong balak na tumulong sa impeachment na ’yan,” ani Marcos sa panayam.
Noong nakaraang taon, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Duterte, kaya’t hindi maaaring magsumite ng panibagong kaso hanggang Pebrero 6. Dahil dito, walang magiging trial sa Senado dahil hindi ito makakakuha ng hurisdiksyon.
Tinanong si Marcos kung mas magiging matibay ang isang renewed complaint, ngunit iginiit niyang wala siyang alam na bagong basehan.
“Wala akong nakikitang karagdagang grounds,” aniya.
Dagdag pa ng senador, mananatiling objective ang Senado kung sakaling umabot sa trial ang impeachment, kahit pa personal niyang kaibigan si Duterte.
“Alam naman natin na kaibigan natin ’yan. Pero tatayo kaming huwes kung aabot sa ganoon,” paliwanag niya.
Ani Marcos, lahat ay dapat nakabase sa ebidensya: “Sa ngayon, wala naman tayong nakikita. Hindi natin alam kung may bagong ebidensya o kung mabigat ba.”
Kamakailan ay binatikos din ni Marcos ang pagbawas sa badyet ng ilang malalaking proyekto tulad ng Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway, at foreign-assisted projects ng DPWH.
No comments:
Post a Comment