Hindi na mapipigilan ang muling pag-arangkada ng ABS-CBN sa puso ng sambayanang Pilipino matapos ang sunod-sunod na positibong ulat sa ratings. Muling umingay ang industriya ng telebisyon nang makabalik sa double-digit ratings ang pambato nitong primetime action series—patunay na kahit walang sariling frequency, nananatiling nangingibabaw ang Kapamilya sa lakas ng kuwento at tiwala ng manonood.