Maynila — Patuloy na kinikilala ang mga artista ng ABS-CBN bilang mga pinaka-in-demand na celebrity endorsers sa bansa, kapwa sa tradisyunal na telebisyon at sa mabilis na lumalawak na digital platforms.
Sa loob ng maraming taon, kapansin-pansin na mas pinipili ng malalaking kumpanya, negosyante, at investors ang mga Kapamilya stars upang maging mukha ng kanilang mga produkto at serbisyo. Mapa-free TV man o online advertising, nananatiling malakas ang presensiya at hatak ng mga artista mula sa Kapamilya network.
Batay sa pinakahuling datos, tinatayang 70 porsiyento ng mga TV commercials sa free TV ay tampok ang Kapamilya talents. Ganito rin ang trend sa digital media, kung saan dominado ng Kapamilya stars ang Facebook ads, YouTube commercials, at Instagram campaigns, bilang pangunahing endorsers ng mga kilalang local at international brands.
Ayon sa isang pag-aaral, mataas ang kumpiyansa ng mga business owners at investors sa Kapamilya celebrities dahil sa kanilang matibay na fanbase, international exposure, award-winning track record, at kakayahang maging total performers—may husay sa pag-arte, pagkanta, at pagsasayaw. Malaki rin ang naitutulong ng kanilang milyon-milyong followers sa social media, na nagpapalakas sa kanilang bisa bilang digital influencers at brand ambassadors.
Dagdag pa rito, itinuturing ang mga Kapamilya stars bilang isang “complete package” dahil sa mahigpit at world-class na training na kanilang pinagdadaanan. Dahil dito, hindi nakapagtataka kung bakit sila ang pangunahing pinipili ng mga kumpanya—maging sa traditional advertising man o sa digital campaigns—bilang epektibong mukha ng mga brand sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment