8PM TV RATINGS UPDATE: Kapuso, Isinama na Muli ang GTV sa Feb. 4, 2026 Art Card

 



Matapos kahapon ay single-channel ratings lamang ang ipinakita, kapansin-pansin na isinama na muli ang GTV sa inilabas na 8PM timeslot TV ratings art card ng Kapuso para sa Pebrero 4, 2026. Ang naturang infographic ay ibinahagi mismo ng opisyal na Facebook page ng Sang’gre: Encantadia Chronicles.


Batay sa datos, malinaw ang pagkakaiba ng resulta kapag multi-channel na ang binibilang. Umabot sa 9.4% ang rating ng Sang’gre kapag pinagsama ang airing sa GMA Network at ang delayed telecast sa GTV. Gayunman, kapag GMA lamang ang isinama sa bilang, nasa 8.0% ang nakuha ng serye.

Samantala, dikit naman ang laban ng FPJ’s Batang Quiapo na umabot sa 9.3% kapag pinagsama ang A2Z, ALLTV, at Kapamilya Channel (satellite at cable). Kung A2Z lamang ang pagbabasehan, nakapagtala ito ng 4.3%.

Para naman sa Totoy Bato, kapansin-pansing halos walang galaw ang ratings. Nasa 0.7% ito kung TV5 lang ang isasama, at bahagyang tumaas sa 0.8% kapag isinama ang simulcast sa One PH.

Ayon sa caption, ang mga numerong ito ay mula sa February 4, 2026 – Preliminary / Overnight data ng Nielsen Philippines sa ilalim ng NUTAM People’s Ratings.

Dahil dito, muling nabubuhay ang diskusyon online tungkol sa single-channel vs. multi-channel reporting ng ratings. Ano sa tingin ninyo, ang mas patas at mas malinaw na batayan sa tunay na lakas ng panonood?

No comments:

Post a Comment