Masayang-masaya ang komedyanteng si Keanna Reeves sa piling ng kanyang mas batang nobyo na si Scott Lomboy, at hindi niya ito ikinakahiya. Sa panayam ng aktres sa vlog ni Aiko Melendez, ibinahagi niya ang detalye ng masaya at respetadong relasyon na mayroon sila, na tumagal na ng isang taon.