Matagal nang pangarap ng aktor na si JC Alcantara na makatrabaho si Barbie Forteza, at ngayon ay unti-unti na itong natutupad. Sa isang panayam, inamin ni JC na simula pa noong 2011 ay hinahangaan na niya si Barbie—hindi lang bilang aktres kundi bilang isang babae.
“Oo naman! Sino ba naman ang hindi maaakit kay Barbie?” pahayag ni JC, sabay puri sa galing, charm, at kabuuang personalidad ng Kapuso actress. Aniya, taglay ni Barbie ang halos lahat ng katangian ng isang ideal na babae. “Nasa kanya na ang lahat, bakit sinayang pa?” biro pa ni JC, na tila may patama sa dating nobyo ng aktres na si Jak Roberto.
Nang tanungin kung sasayangin ba niya si Barbie kung siya ang naging nobyo nito, sagot ni JC: “Hindi ko siya sasayangin!” sabay ngiti at aminadong medyo naiilang sa usapan.
Bagamat inamin niyang attracted siya kay Barbie, nilinaw niyang wala pa siyang balak manligaw sa ngayon. Gusto raw muna niyang makilala ito nang mas mabuti at magsimula sa pagkakaibigan.
“Single naman ako. Mukhang single rin siya. Pero ngayon, gusto ko muna maging kaibigan siya,” dagdag pa ni JC.
Marami ang kinikilig sa bagong tambalan ng dalawa, na may natural na chemistry on-screen. Ayon kay JC, masaya na siya sa pagkakataong makatrabaho si Barbie, at kung ano man ang susunod, ituturing na lamang niyang bonus.
“Grateful na ako na natupad ‘yung matagal ko nang pangarap. Kung may mangyari pa, bonus na lang ‘yun,” pagtatapos niya.
No comments:
Post a Comment