Ivana Alawi at Dan Fernandez, Iniintrigang Magkapareho ang Disenyo ng Kanilang Closet

 



Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagkakahawig ng disenyo ng closet sa bahay ng Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi at ng dating Lone District of Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez.


Nag-post ang dating kongresista ng isang TikTok video habang nagbibihis, at napansin ng mga netizens na parang magkapareho ang kulay at disenyo ng tiles sa sahig, pati na rin ang kulay ng closet na makikita naman sa mga social media posts ni Ivana.


Ibinahagi rin ang usaping ito sa ulat ng “Bilyonaryo News Channel,” na sumangguni sa mga diskusyon sa social media platform na Reddit.


Matatandaang kamakailan lamang, naugnay si Ivana kay dating Bacolod City Mayor Albee Benitez, ngunit mariing itinanggi ni Ivana ang paratang at iginiit na hindi siya isang homewrecker.


Sa ngayon, wala pang pormal na reaksyon o pahayag mula kina Ivana Alawi at Dan Fernandez tungkol sa intriga. Bukas ang balita sa kanilang panig.



@gobyernongmaydangal

Sending out my resume.

♬ original sound - Dan Fernandez

No comments:

Post a Comment

Blog Archive