“Tumatandang Paurong?” Ogie Diaz kay Harry Roque: “Bumalik Ka Dito, Gagah!”



Matapang na panawagan ang binitiwan ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, kaugnay ng pananatili nito sa ibang bansa sa kabila ng mga isyung kinahaharap sa Pilipinas.


Sa isang social media post, kalakip ang ulat kung saan sinabing hindi siya pugante si Roque, hindi pinalampas ni Diaz ang panibagong pahayag nito na tila nananawagan ng pagkakaisa para mapatalsik si Senadora Risa Hontiveros. Ayon kay Diaz, hindi dapat inuudyukan ni Roque ang taumbayan para sa layuning may bahid ng pansariling interes.

“Ateng, yung suggestion mong magkapit-bisig para mapatalsik si Senator Risa Hontiveros, wag mo utusan ang mga tao,” matapang na wika ni Diaz.

Binalikan din ni Diaz ang isa sa mga dating pahayag ni Roque kung saan ginamit nito ang linyang “kampon ng kadiliman vs kampon ng kasamaan,” na ayon sa kanya ay hindi rin pinakinggan ng publiko.

“Nyeta ka! Yun ngang kumpas mo ng kampon ng kadiliman vs kampon ng kasamaan, di mo na napasunod yung mga tao, eto pa kaya? Bumalik ka dito, gagah. Harapin mo kasi yung mga reklamo sa yo kung matapang ka.”

Bumanat pa ang showbiz columnist na walang umaapi kay Roque at ang sarili umano nito ang dahilan kung bakit hindi ito makauwi ng bansa.

Hindi rin napigilan ni Diaz na ipahayag ang pagkadismaya sa diumano’y pagbabago ng pagkatao ni Roque.

“Walang umaapi sa yo. Ikaw ang may kagagawan kaya ka hindi makauwi. Juice ko, dati ang tino-tino mo, anyare na sa yo ngayon, teh?”

“Parang tumatandang paurong ‘yan?” dagdag pa niya.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang tugon si Roque sa mga banat ni Diaz.






No comments:

Post a Comment

Blog Archive