Umani ng matinding atensyon sa social media ang kontrobersyal na eksena ng aktor na si Jake Cuenca sa pinakabagong episode ng *FPJ’s Batang Quiapo*. Sa naturang tagpo, makikitang nakikipagsuntukan si Jake habang tanging puting brief lamang ang suot—isang eksenang ikinagulat, ikinatuwa, at ikinakuwela ng netizens.