Matagal-tagal na ring nagbabakasyon sa Australia si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang non-showbiz best friend na si Arisse de Santos na doon na naninirahan.
Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring anumang ebidensiyang nagpapatunay na kasama ng aktres ang politikong pilit na inuugnay sa kanya.
Para sa marami, halatang pilit lang ginagatungan ng ilang netizens ang tsismis. Mistulang desperado ang ilan sa mga bashers na mapalakas ang intriga sa online world, kahit pa halatang gawa-gawa lamang ito.
Sa kabila nito, nananatiling tahimik si Kathryn — tulad ng nakasanayan. Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, gamay na gamay na ng aktres ang ‘art of dedma’, at hindi siya basta pumapatol sa mga ganitong isyu.
Ang mas nakakatawa pa, may mga kumakalat pang blind item na sinasabing may isang aktres na buntis — at agad itong ikinabit ng mga bashers kay Kathryn. Ngunit hindi ito pinatulan ng kanyang mga tunay na tagahanga. Alam nilang hindi ito gawain ni Kath, at agad nilang pinabulaanan ang tsismis.
May ilan ding netizens na umaasa raw na mahuli si Kath at ang sinasabing karelasyon nito — si Mayor Mark Alcala — sa “kiss cam” gaya ng viral video mula sa concert ng Coldplay sa Massachusetts. Ang babaw, ‘di ba?
Sa gitna ng lahat ng ito, nananatiling kalmado si Kathryn. Kung may demolition job mang nagaganap laban sa kanya, malinaw na hindi siya basta-basta natitinag. Isa lang ang sigurado: Hindi basta matitinag ang isang tunay na superstar.
No comments:
Post a Comment