Kahit nakatanggap ng mga batikos sa kanyang pagganap sa teleseryeng Linlang, nanatiling determinado si Anji Salvacion na ipagpatuloy ang kanyang karera bilang aktres. Sa halip na panghinaan ng loob, ginamit niya ang mga puna bilang motibasyon upang mas pagbutihin pa ang kanyang craft.