Iconic ABS-CBN Crime Docu “SOCO” Mapapakinggan na Rin sa DZMM Radyo Patrol



Muling mapapakinggan sa radyo ang iconic crime documentary series na S.O.C.O: Scene of the Crime Operatives ng ABS-CBN News.


Simula ngayong Sabado, March 7, alas-6:15 ng gabi, mapapakinggan na ang programa sa DZMM Radyo Patrol 630. Sabay din itong mapapanood sa DZMM Teleradyo, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapakinig at manonood na sundan ang mga totoong kaso at imbestigasyon na tampok sa programa.

Bukod sa pagbabalik nito sa radyo, patuloy ding mapapanood ang SOCO tuwing Sabado, 4:30 ng hapon sa Kapamilya Channel na napapanood din sa ALLTV, cable television, iWantTFC, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Matagal nang kinikilala ang SOCO bilang isa sa pinakatanyag na crime documentary programs sa bansa. Sa pamamagitan ng masusing rekonstruksyon ng mga krimen at testimonya ng mga imbestigador, patuloy nitong naipapakita sa publiko ang proseso ng paglutas ng mga kaso at ang kahalagahan ng hustisya.

Sa pagbabalik nito sa radyo, mas marami pang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong sundan ang mga kapanapanabik at makabuluhang kuwento ng totoong krimen na tampok sa SOCO.

No comments:

Post a Comment