Kinaaliwan: Sarina Hilario ginuhitan ang sarili para magmukhang ‘Sadness’ ng Inside Out

 


Kinaaliwan sa social media ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina Hilario matapos ibahagi ng kanyang ina na si Maia Azores ang isang nakakatuwang video ng bata.


Sa naturang video, makikitang puno ng asul na guhit ang mukha ni Sarina habang nagsasalita at tila nagpapaliwanag sa kanyang mommy. Ayon kay Maia, ginuhitan daw ni Sarina ang sarili para magmukha siyang si ‘Sadness’, ang karakter mula sa Pixar animated film na Inside Out.

Marami ang natawa sa creativity at innocence ni Sarina, lalo na nang marinig ang pangangatwiran nito na umano’y parang hindi 3-taong gulang, kundi “parang 16 years old” ayon sa caption ni Maia.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-request na ibahagi rin ang audio ng video upang marinig kung paano nangatwiran si Sarina.

Bukod sa viral video, madalas na aliwin ni Sarina ang publiko. Isa sa mga naunang videos na ibinahagi ni Jhong ay ang duet nila ng kantang “Moon River”, kung saan makikitang nakaupo sila sa harap ng piano habang kumakanta si Sari.

Si Jhong Hilario, kilala bilang membro ng Streetboys at isa sa hosts ng It’s Showtime, ay madalas ibahagi ang mga cute at wholesome moments kasama ang kanyang anak.

Patuloy namang nagiging usap-usapan online ang viral video ni Sarina, at marami ang humahanga sa kanyang pagiging expressive, imaginative, at witty sa murang edad.


No comments:

Post a Comment