ALL OUT SUNDAYS TALO DIUMANO ANG ASAP; TV5 MAGLULUNSAD NG BAGONG SUNDAY VARIETY SHOW

 


Nanatiling most-watched ang Kapuso Sunday variety show na All Out Sundays on-air at online, matapos nitong talunin diumano ang ASAP Natin ‘To sa buong buwan ng Disyembre 2025.


Batay sa Nielsen NUTAM aggregated ratings, nagtala ang All Out Sundays ng 3.1 average ratings, kumpara sa 1.8 ng ASAP Natin ‘To.


Ayon sa ilang obserbasyon, mas nagustuhan diumano ng viewers ang bagong segments at dynamic production ng Kapuso program, habang nananatiling konserbatibo ang format ng katapat nitong show.


Kahit nagtungo pa sa iba’t ibang bansa ang ASAP Natin ‘To, mas pinanood diumano ang All Out Sundays, at maging ang mga replay episodes nito.


Samantala, inaasahang iinit pa ang kompetisyon sa Sunday variety block ngayong 2026 dahil nakatakdang maglunsad diumano ng panibagong Sunday variety show ang TV5 ngayong taon.

No comments:

Post a Comment