Hindi naitago ni Matet De Leon ang kanyang pagkadismaya matapos siyang muling makatanggap ng bastos at mapang-asar na tanong habang siya ay abala sa kanyang live selling. Sa halip na matuwa o makisali, may ilang netizens ang tila sadyang nang-iinis — tinatanong pa siya kung “kailan ka uli iiyak sa live?”