Sabrina M. nag-react sa biro ni Vice Ganda: “Pwede ka magpatawa nang walang nilalait”

 



Nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Sabrina M. matapos banggitin ang kanyang pangalan sa isang joke ni Vice Ganda sa concert kasama si Regine Velasquez.


Sa isang bahagi ng palabas, tinanong ni Vice si Regine kung sino ang paborito nitong mang-aawit. Sagot ni Regine, “Sabrina.”


Biniro ito ni Vice at sinabi:

“Sabrina M., yung nakaaway ni Rosanna Roces sa The Buzz dahil sa pustisong ipin? ‘Di ba nakaaway dati si Rosanna? At si Sabrina M. kasi pustiso yung ngipin niya. Yung nahuli?”


Dahil dito, nag-post si Sabrina M. sa kanyang Facebook account at ipinahayag ang kanyang pagkadismaya:


“Makapagpatawa ka lang kahit may matapakan kang mga tao??? It’s very wrong… pwede ka magpatawa ng wala kang lalaitin o matatapakan… from comedy bar to noontime show to concert… haist… VERY WRONG.”


Ayon kay Sabrina, mali ang pagbibitaw ng biro kung may ibang taong nadadamay o nasasaktan. Nanindigan siya na posibleng magpatawa nang hindi kailangang manlait o mang-insulto.


No comments:

Post a Comment

Blog Archive