Isang “anniversary” na kakaiba ang ipinagdiwang ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas — ang unang anibersaryo ng kanyang hiwalayan sa dating asawang si Gerald Sibayan. Tinawag niya itong “Freedom Day,” isang simbolo ng muling pagkabuhay at lakas matapos ang masakit na yugto ng kanyang buhay.