MANILA, Philippines — Naglabas ng pahayag ang TV host at singer na si Teddy Corpuz patungkol sa kasalukuyang laganap na tema sa mga teleserye sa bansa.
Sa kanyang post sa X (dating Twitter), tanong ni Corpuz:
"Kelan kaya ako makakanuod ng teleserye sa Pinas na walang barilan? Yung drama, iyakan, at magandang storya lang sapat na!"
Pinuna ng artista ang labis na pagpapakita ng karahasan sa mga palabas, at naghangad ng mga kwento na nakatuon lamang sa drama, emosyon, at makabuluhang plot.
Ang pahayag ni Teddy ay nag-udyok ng diskusyon sa social media, kung saan maraming netizens ang sumang-ayon na sana ay mas marami ring teleserye sa bansa na nagpo-promote ng positibong kwento nang hindi umaasa sa eksena ng barilan o labis na karahasan.
No comments:
Post a Comment