Pitong sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing Kapamilya shows ang kanilang pangunahing pinapanood



Ayon sa isang survey na isinagawa mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2026, pitong sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing Kapamilya shows ang kanilang pangunahing pinapanood sa telebisyon at online platforms. Samantala, ang natitirang tatlo sa bawat sampu ay mas pinipili naman ang mga palabas mula sa iba pang network, kabilang ang mga programa ng Kapuso at Kapatid networks.


Batay sa resulta ng survey, ilang mahahalagang salik ang dahilan kung bakit mas tinatangkilik ng nakararaming Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN. Kabilang dito ang mataas na kalidad ng mga palabas, matibay na loyalty ng mga manonood sa network, at ang presensya ng mga bigating artista. Ayon sa mga respondente, mas nagiging relatable, makabuluhan, at tumatagos sa damdamin ang mga Kapamilya programs, kaya nananatili ang kanilang suporta at panonood.


Ipinapakita rin ng survey na sa kabila ng matinding kompetisyon sa industriya ng telebisyon at digital media, nanatiling malakas ang impluwensya at hatak ng ABS-CBN sa panlasa ng sambayanang Pilipino. Patunay ito na ang Kapamilya brand ay patuloy na may malalim na koneksyon sa mga manonood, anuman ang platform na kanilang piliing panoorin.

1 comment:

  1. lage ksi lock ang acount ko hindi koa update nalutang delete paren kaya pag nag update ako laginhulog kanina natrash can ang account ko . ang herap mag update kapag hindi naka siqne in sa google lage nellalock ni meta ang gogole

    ReplyDelete