Umiinit na naman ang usap-usapan online matapos kumalat ang isang larawan na diumano’y kuha sa rumored couple na sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.
Batay sa isang TikTok post ng user na @user4325677865, makikita sa larawan ang dalawang taong sinasabing sina Kathryn at Mark na magkatabi habang kumakain sa isang mamahaling restaurant. Bagama’t nakatalikod ang mga ito sa camera, agad itong pinagpyestahan ng netizens at pinaghinalaang ang dalawa nga ang nasa litrato.
Gayunman, magkahalo ang reaksiyon ng publiko. May mga naniniwalang tunay ang kuha at patunay ito ng kanilang closeness, habang ang iba naman ay nagsasabing posibleng AI-generated lamang ang larawan at walang sapat na ebidensya para makumpirma ang pagkakakilanlan ng nasa photo.
Mas lalo pang uminit ang diskusyon nang mapag-usapan ang isyu sa isang Reddit thread, kung saan nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang mga netizen:
“Napapagod na siguro magtago. Haha.”
“Baka ready na mag public announcement 🤣”
“Kathryn at Mark Alcala tumatapang 🤣”
“Hard launch na ba ito, since hindi na pinasara yung restaurant.”
“OMG finally a solid proof.”
“Uyy ready na sila! soft launched.”
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon o pahayag mula kina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala kaugnay sa kumakalat na larawan at sa estado ng kanilang relasyon.
Habang nananatiling diumano at espekulasyon pa lamang ang lahat, patuloy namang inaabangan ng netizens kung ito na nga ba ang simula ng isang hard launch—o isa lang itong viral moment na muling nagpasiklab sa tsismis.
No comments:
Post a Comment