Lalong uminit ang espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Janella Salvador at Klea Pineda matapos mag-viral ang ilang TikTok videos na kuha diumano sa isang sikat na bar sa La Union.
Sa kumakalat na mga video, makikitang sweet na sweet diumano ang dalawa habang magkadikit na nagsasayaw malapit sa DJ booth. Kapansin-pansin ang pagiging komportable at masaya nila sa piling ng isa’t isa, bagay na agad nakatawag-pansin sa mga netizen.
Mas lalong napa-“OMG” ang online community nang mahuli-cam diumano ang dalawa na naghalikan, dahilan upang lalo pang umugong ang haka-haka na higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila.
Ayon sa ilang netizen, kuha diumano ang mga video noong Biyernes ng gabi, December 26, at mabilis itong kumalat sa social media platforms.
Sa kabila ng kontrobersiya, wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Janella at Klea hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Matatandaang dati nang nilinaw ng dalawa na wala umanong third party sa naging hiwalayan ni Klea at ng dating karelasyong si Katrice Kierulf.
Sa ngayon, patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang susunod na galaw ng dalawa, habang patuloy ring pinag-uusapan ang mga viral na eksena na diumano’y lalong nagpainit sa isyu.
@jjjjacas woopsss #notjanellasalvador #kleapineda ♬ Ikaw Lang Patutunguhan - Amiel Sol
No comments:
Post a Comment