ANNE CURTIS, WALANG BALAK LUMIPAT NG NETWORK — BUSY NA BUSY SA SHOWS AT MOVIES NGAYONG TAON



Muling nililinaw sa publiko na wala pong planong lumipat ng kahit anong network si Anne Curtis, taliwas sa mga kumakalat na tsismis online. 


Sa kasalukuyan, full load ang aktres-host sa kanyang mga proyekto ngayong taon—mula sa mga programa sa telebisyon hanggang sa mga pelikulang nakapila.

Isa si Anne sa mga haligi ng It’s Showtime, kung saan patuloy siyang napapanood at minamahal ng madlang people. Bukod dito, abala rin siya sa iba’t ibang endorsements at film commitments, patunay na nananatili siyang isa sa pinaka-in-demand na artista sa industriya.

Kaya sa mga nagpapakalat ng balitang lilipat daw si Anne sa ibang network, malinaw ang sagot: walang katotohanan ang mga ito. Sa halip na lumipat, mas pinili ni Anne na tutukan ang mga proyektong kasalukuyan niyang tinatrabaho at patuloy na magbigay saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.

At para sa mga tsismis na ‘yan, isa lang ang masasabi ng marami:
“ANNEbisyosa siya!” 😂

No comments:

Post a Comment