Ibinahagi ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto kung paano niya hinaharap ang mga negatibong komento at pambabatikos na ibinabato sa kanilang pamilya bilang mga kilalang personalidad.
Aminado ang gobernador na may mga pagkakataong naaapektuhan siya ng mga kritisismo, subalit mas pinipili niyang manatiling matatag at ituon ang kanyang pansin sa sarili, sa kanyang pamilya, at sa kanyang tungkulin sa serbisyo publiko.
Ayon kay Santos-Recto, may mga taong bumabatikos hindi dahil sa may sapat na dahilan, kundi bunsod ng inggit at ng pagnanais na marating ang kinalalagyan ng kanilang pinupuna.
“Kaya n’yo kami tinitira kasi nasa taas kami, at kayo tumitira kasi nasa baba kayo,” ani Santos, na itinuturing ang mga ganitong pag-atake bilang indikasyon ng kanilang tagumpay at posisyon sa buhay.
Dagdag pa niya, mas mahalagang manatiling grounded at huwag hayaang sirain ng negatibong opinyon ang kapayapaan ng isip at layunin sa buhay.
No comments:
Post a Comment