Sa kabila ng pag-alis ng mga Kapamilya shows sa TV5, pinili ni Ms. Korina Sanchez na manatili sa Kapatid Network, isang desisyong ikinatuwa ng pamunuan ng istasyon.
Bagama’t napapanood ang batikang mamamahayag at TV host sa iba’t ibang networks, malinaw na hindi niya basta bibitawan ang TV5. Sa katunayan, inaasahang madaragdagan pa ang kanyang mga programa sa Kapatid Network.
Isa sa mga bagong aabangan ay ang “Tik Talks,” isang interactive talk show kung saan makakasama niya sina Ruffa Mae Quinto at Pat P. Daza. Tatalakayin sa programa ang sari-saring paksa—mula sa seryosong usapin hanggang sa magaan at aliw na kuwentuhan—o kung tawagin, lahat ng bagay under the sun.
Bukod dito, nananatili ring mainstay host si Ms. Korina sa programang “Face to Face,” na umeere bago ang number one noontime show na Eat Bulaga!
Dahil dito, ikinatuwa ng TV5 at ng MediaQuest ang desisyon ni Ms. Korina na manatili sa network, lalo na’t kitang-kita ang loyalty at tiwalang kanyang nabuo sa Kapatid Network sa paglipas ng mga taon.
Patunay ang kanyang pananatili na pinahahalagahan ni Ms. Korina Sanchez ang mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya at marunong siyang tumanaw ng utang na loob—isang dahilan kung bakit patuloy ang pagdating ng mga biyaya sa kanyang karera.
No comments:
Post a Comment