Usap-usapan ngayon ang mga matapang na post ng isang TikTok account na gumagamit ng pangalang Gelo, na sinasabing kapatid ng social media personality na si Gela Alonte.
Si Gela ay kilala online bilang influencer, anak ni Mayor Angelo Alonte ng Biñan City, at kasintahan ng dating PBB Celebrity Collab housemate na si River Joseph. Kaya naman laging nasa spotlight hindi lang siya, kundi maging ang kanyang pamilya.
Dahil dito, muling nabahiran ng kontrobersya ang pamilya Alonte. Para sa ilang netizens, may punto si Gelo at tama lang na ipagtanggol ang sarili. Pero para sa iba, natural lang na kuwestyunin ang mga pamilyang may koneksyon sa politika, lalo na’t may hawak silang impluwensya at kapangyarihan.
Sa kabila ng issue, nananatiling aktibo si Gelo sa TikTok at patuloy na sumasagot sa mga basher—hindi nananahimik, kundi pinipiling lumaban sa pamamagitan ng kanyang mga posts.
#GelaAlonte #AlonteFamily #ShowbizChikadora
No comments:
Post a Comment