Umiinit ang social media matapos masangkot si Claudine Co sa isyu kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects. Kumalat kasi online ang umano’y pahayag niya:
“LIKE, hello? Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay?”
Dahil dito, sumiklab ang galit ng netizens na agad nagpaulan ng batikos. Ngunit palaisipan kung totoong galing kay Claudine ang linya, dahil burado o naka-deactivate na ang kanyang mga official accounts. Gayunman, patuloy pa ring nagsulputan ang art cards sa Facebook at Instagram na iniuugnay sa kanya.
Bukod sa mainit na pahayag, mas lalong naipit si Claudine dahil sa bansag na “nepo baby” — mga anak ng makapangyarihan at mayayamang personalidad na nakikinabang umano sa koneksyon ng pamilya. Madalas ding puntirya ang kanyang branded outfits, mamahaling gamit, at luho sa social media na sinasabayan ng imbestigasyon sa flood control projects na dapat sana’y para sa mamamayan.
Para sa kaalaman, si Claudine ay anak ng dating Ako Bicol Rep. Christopher Co at pamangkin ni Zaldy Co, kasalukuyang kinatawan ng parehong partylist. Si Christopher ay konektado sa Hi-Tone Construction, at si Zaldy naman sa Sunwest Group of Companies — parehong kabilang sa 15 contractors na mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. pinangalanan na kumita ng bilyon-bilyon mula sa flood control projects.
Ngayon, hati ang netizens: may naniniwalang gawa-gawa lang ang kumalat na quote, pero marami rin ang nagsasabing kahit wala siyang direktang kinalaman, hindi maiiwasang madawit si Claudine dahil sa negosyo ng kanyang pamilya.
💬 Ang sigurado: lumalaki pa ang isyu, at dumadami ang panawagan na papanagutin ang mga contractors at pulitikong sangkot.
#ClaudineCo #FloodControlScam #ShowbizChikadora #Politics
No comments:
Post a Comment