Vico Sotto: “Hindi naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat”

 



Pasig Mayor Vico Sotto nilinaw ang tunay na dahilan kung bakit siya nag-post sa Facebook tungkol sa problema ng korapsyon sa media at pamahalaan.


Sa panayam niya kay Marc Gamboa para sa Models of Manila podcast, ipinaliwanag ni Vico:


“Kung ano ang kailangan kong sabihin tungkol sa media o sa ilang personalidad, nasabi ko na. Hindi naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat. Pero may mga bagay na kailangan talagang pag-usapan — hindi lang sa media kundi pati sa gobyerno.”


Dagdag pa ng alkalde, hindi madaling pag-usapan ang mga ganitong isyu, pero mahalagang aminin ang problema at simulan ang usapan tungkol dito.


“Kung gusto natin umayos ang Pilipinas, kahit awkward o nakakahiya, kailangan aminin natin ‘yung problema. Pag-usapan natin. Kahit magkaiba tayo ng paniniwala, basta nailabas at napag-usapan — panalo na ‘yon.” 💯



No comments:

Post a Comment

Blog Archive