๐Ÿ’” Gerald Anderson at Julia Barretto, may “cool-off” moment?

 



Mainit na usapan ngayon sa showbiz world ang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ibunyag ni talent manager at content creator Ogie Diaz ang balitang narinig niya mula sa kanyang sources.


Sa kanyang online show na Showbiz Update, sinabi ni Ogie na tila mas bihira na raw makita ang dalawa na magkasama — maging sa social media, bihira na ring magpost sina Gerald at Julia ng kanilang mga sweet photos.


“Nabalitaan ko na cool-off daw yung dalawa. Ano ba ang ibig sabihin ng cool-off? Sila pa din pero huwag muna tayo ngayong magkita,” ani Ogie.


Dagdag pa niya, may mga chismis na may third party na dahilan umano ng kanilang lamat. “Ang nakarating sa akin ay iba-iba. Yun lamang ang nabalitaan natin. Sana sila pa din… Ang nakarating sa akin, mahal na mahal ni Julia si Gerald despite the issue,” dagdag ni Ogie.


Sa ngayon, nananatili pa ring usap-usapan kung totoo nga bang may “space muna” ang magkasintahan o kung isa lang itong malisyosong tsismis. ๐Ÿค”


No comments:

Post a Comment

Blog Archive