Bianca Gonzalez, nainis sa mayayabang na anak ng corrupt officials!

 



Hindi napigilan ng TV host na si Bianca Gonzalez ang kanyang pagkadismaya matapos makita sa social media ang mga anak ng ilang pulitiko na walang pakundangan sa pagyayabang ng kanilang marangyang pamumuhay.


Sa kanyang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Bianca:
My feed is filled with posts on the lavish lifestyles of kids of corrupt officials… and here we are, mga walang generational wealth o nakaw na yaman, na kumakayod araw-araw, na minsan’y nahihiya pa mag-post ng travel o ng nabili kasi baka ‘mayabang’ ang dating.


Bagama’t wala siyang pinangalanan, malinaw na ang tinutukoy niya ay mga anak ng mga opisyal na sangkot umano sa mga kuwestiyonableng flood control projects ng DPWH. Habang ang karaniwang Pilipino ay nagdadalawang-isip magbahagi ng simpleng tagumpay, tila walang preno naman ang mga anak ng politiko sa pag-post ng kanilang mamahaling gamit, kotse, at bakasyon.


Umani ng suporta mula sa netizens ang tweet ni Bianca, dahil tumama ito sa damdamin ng mga ordinaryong mamamayan na ramdam ang malaking agwat ng yaman at kapangyarihan kumpara sa kanilang araw-araw na pakikibaka.


Para kay Bianca, simple lang ang punto: “Huwag naman sanang ipagyabang ang luho lalo na kung ang pinagmulan ay hindi patas.” 🙌


No comments:

Post a Comment

Blog Archive