Xian Gaza, Umalma sa Pagdawit kay Ivana Alawi sa Isyu ng Pamilya Benitez: “6 years old pa lang siya noon!”

 



Nagpakawala ng maaanghang na pahayag si Xian Gaza ngayong Mayo 29 sa kanyang Facebook page matapos madawit ang pangalan ng Kapamilya star na si Ivana Alawi sa reklamo ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) na isinampa ni Nikki Benitez, asawa ni Congressman Albee Benitez.


Sa kanyang post, diretsahan niyang kinausap si Nikki:

“Madam Benitez, hiwalay na po kayo ng mister niyo 2003 pa lang. Bakit po si Ivana ang dinadawit niyo eh 6 years old pa lang po si Ivana noong naghiwalay kayo!”

Giit ni Xian, hindi patas na nadadamay si Ivana sa isang personal na alitan lalo’t wala raw sapat na basehan ang pagkakasangkot ng aktres sa kaso.

“An’labo niyo po sa totoo lang. Sinisira niyo pangalan at imahe nung tao,” dagdag pa niya.

Matatandaang sumiklab ang tsismis noong 2024 na may umano'y namamagitan kina Ivana at Cong. Albee matapos silang maispatan na magkasama sa airport. Bagamat parehong itinanggi ito ng dalawang panig, muli na namang lumutang ang isyu sa complaint affidavit ng asawa ng kongresista.

Sa hiwalay na post, muling binanatan ni Xian si Nikki:

“Ipagpalagay natin na totoong may relasyon sila, bakit siya 'yung pag-iinitan mo eh napakaraming babaeng dumaan sa asawa mo for the last 21 years ha?”

Dagdag pa niya,

“At dahil nanggigigil ako ngayon, magla-Live ako mamaya. Maghanap na kayo ng kakapitan.”

Samantala, tahimik pa rin si Ivana Alawi at wala pang opisyal na pahayag mula sa kanyang kampo. Sa ngayon, patuloy ang pagtutok ng publiko sa isyung ito na tila mas tumitindi habang nadaragdagan ang mga nagsasalita.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive