Tahasang inamin ng batikang aktres na si Mylene Dizon na hindi niya ipapamana ang kanyang mga ari-arian sa kanyang dalawang anak na sina Tomas at Lucas. Sa isang panayam ni Bernadette Sembrano sa YouTube, ikinuwento ni Mylene ang kanyang estilo sa pagpapalaki ng anak bilang isang single mom at disciplinarian.
“I want them to make it on their own,”
mariing pahayag ni Mylene.
Isa sa mga hindi niya ipapamana ay ang beach house sa La Union na kanya mismong pinaghirapan — mula sa welding, pagkakarpintero, hanggang pagpipinta. Para sa kanya, walang saysay ang ipamana ito kung hindi napagdaanan ng anak ang hirap at sakripisyo sa pagkamit nito.
“Ano matututunan nila diyan? They will just run it through the ground if they don't have proper education,” paliwanag niya.
Edukasyon, Hindi Ari-arian
Para kay Mylene, ang edukasyon lamang ang tunay na pamana na maibibigay niya sa kanyang mga anak. Ito ang magiging sandata nila sa buhay para tumayo sa sariling paa at hindi umasa sa yaman ng magulang.
“That’s the only thing I can give,” aniya.
Mas nais niyang igabay ang kanyang mga anak kaysa ibigay lahat. Hindi raw niya ibibigay ang "toolbox" ng kanyang kasanayan kundi hayaan silang matuto sa sarili nilang paraan.
“I'm just going to guide them and let them learn on their own so they can fill their own toolboxes.”
Simpleseng Pamumuhay, Mas Masayang Buhay
Sa huli, sinabi ng aktres na mas pinahahalagahan niya ang simple at kontentong buhay. Wala na siyang hihingin pa bukod sa kakayahang maitaguyod ang edukasyon ng kanyang mga anak.
“I don’t want anything else. I’m able to provide. I’m able to give my children education my money can buy. Ano pa ang hihingin mo?”
Kaya kahit pa raw tambakan siya ng mamahaling luxury items, mas pinipili pa rin niya ang matatag na kinabukasan para sa kanyang mga anak kaysa pansamantalang karangyaan.
Isang inspirasyon si Mylene Dizon sa mga magulang na nais palakihin ang anak sa tamang prinsipyo—na hindi lahat ng bagay ay dapat ibigay agad, kundi mas mahalaga ang pagsisikap, disiplina, at sariling pagkatuto.
No comments:
Post a Comment