Hindi rin naiwasang umamin ang aktres na si Ruffa Gutierrez na nalilito siya sa estado ng relasyon ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial.
Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, June 12, habang ipinopromote ang kanyang kauna-unahang GMA project na “Beauty Empire,” isang nakakatawang blooper ang nangyari—napaghalo niya ang pangalan ng co-star na si Barbie Forteza at ang kanyang karakter na si Velma Imperial, kaya nasambit niya ang pangalan ni Barbie Imperial sa halip.
Nagkataon namang mas naging interesting ang pagbanggit dahil si Richard Gutierrez, kapatid ni Ruffa, ay nali-link nga kay Barbie Imperial matapos ang kumpirmadong hiwalayan nila ni Sarah Lahbati.
Natawa na lang sina Ruffa at Tito Boy sa blooper, pero agad sinundan ni Boy Abunda ng mas diretsong tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Richard at Barbie.
Sagot ni Ruffa habang natatawa:
“I don’t know! Isa pa ‘yun… minsan bumpy, minsan okay. Naguguluhan na ako sa kanila! But that’s life.”
Matatandaang noong unang bahagi ng 2025, inamin ni Richard na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Barbie. Gayunpaman, nilinaw din niya noon na hindi si Barbie ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Sarah.
Sa ngayon, tila mas pinipiling manahimik ng pamilya Gutierrez tungkol sa isyung ito, habang si Ruffa naman ay naka-focus sa bagong yugto ng kanyang career sa Kapuso network.
No comments:
Post a Comment