Arci Muñoz, Umanong Namataan sa Airport Kasama ang Vice Mayor ng Bantay, Ilocos Sur Papuntang Europe

 




Mainit na usap-usapan ngayon ang balitang nakita raw ang aktres na si Arci Muñoz sa paliparan kasama umano ang vice mayor ng Bantay, Ilocos Sur, habang papunta umano sa Europe. 


Ito ang inilahad ni Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute kahapon, June 12, kasama si Romel Chika.

Ayon kay 'Nay Cristy, may natanggap siyang text message na may kalakip pang litrato bilang ebidensiya. “May tinanggap ako ditong text, may picture pa naku, may isang picture. Heto tiyak na ide-deny ito. Sa panahon po ngayon ng social media, papaano pa tayo makapag-de-deny, e, nakunan kayo ng retrato?” aniya.

Nagpakita ng pagkamangha si Romel Chika sa rebelasyon at tanong nito, “Sino ’yan?” Sagot naman ni Cristy, “Si Arci Muñoz kasama ang Vice Mayor ng Bantay, Ilocos Sur... papuntang Europe.”

Bagama’t hindi binanggit ang pangalan ng opisyal, tila maingat ang pagbabahagi ni Cristy upang hindi makompromiso ang pribadong buhay ng nasasangkot. Biro pa ni Romel, “Sabihing nagkasabay lang?” na agad sinang-ayunan ni Cristy at sinundan ng makahulugang pahayag, “Oo, ang manyoman pala ’yung wifey ng vice mayor pala… hay naku.”

Hindi rin ipinakita ni Cristy ang larawan na nasa kanyang cellphone, at tila piniling hindi maglabas pa ng dagdag na detalye habang pinag-iingatan ang posibleng implikasyon ng balita.

Wala pang pahayag si Arci Muñoz ukol sa isyu sa oras ng pagsulat. Matatandaang ilang ulit na ring naugnay sa mga espekulasyon ng relasyon ang aktres, ngunit nananatiling pribado ang kanyang personal na buhay.

Samantala, patuloy ang pag-aabang ng netizens kung magbibigay ng paglilinaw si Arci o ang naturang opisyal sa viral na balita.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive