Robin Padilla Na-High Blood Dahil sa Anak

 



Viral ngayon sa social media ang bagong vlog ni Mariel Padilla, tampok ang isang espesyal na panayam kay Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Father’s Day


Sa naturang vlog, ibinahagi nina Mariel at Queenie ang ilang personal at nakakatuwang alaala kaugnay sa relasyon ni Queenie sa kanyang ama.

Isa sa mga tanong ni Mariel ay, “What is your papa's love language?” na mabilis namang sinagot ni Queenie: “Acts of service.” Agad namang sumang-ayon si Mariel at natuwang marinig ang sagot.

Nagbahagi rin si Queenie ng isang nakakatuwang karanasan sa kanyang ama:
"There’s one time my dad got so mad at me, and he said na papalayasin niya ako… pero pina-hotel niya ako." Napatawa si Mariel at nagbiro, “Na-imagine ko, ‘Lumayas ka dito! Ayokong makita yan!’ pero nagpa-book ng hotel!”

Sa gitna ng kwentuhan, naging emosyonal ang usapan nang tanungin ni Mariel kung anong mensahe ang nais ipaabot ni Queenie kay Robin. Sagot ni Queenie:
"I may not be as open to him as… I think Kylie's more open with him than me, but regardless of the status of our relationship, we love each other no matter what. I love him no matter what and I know he loves me no matter what."

Dito na ibinahagi ni Mariel ang isang insidente kung saan labis na nag-alala si Robin:
"34 years old na po si Queenie. Nung isang beses, umuwi si Robin, hinahanap yung anak niya, wala si Queenie dun. Nag-high blood, as in literal na kailangan na uminom ng gamot kasi wala ka dun," kwento niya.

Sinang-ayunan ito ni Queenie at ipinaliwanag na minsan ay hindi siya umuwi dahil malayo ang kanyang trabaho, kaya’t nagpalipas siya ng gabi sa bahay ng kaibigan. Dahil dito, nag-panic si Robin at agad na ipinaalam kay Mariel.

Ang naturang vlog ay umani ng papuri mula sa netizens, hindi lang dahil sa nakakaaliw at emosyonal na kwentuhan, kundi dahil na rin sa pagpapakita ng tunay na pagmamahalan sa pagitan ng ama’t anak, kahit pa may mga hindi pagkakaunawaan.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive