Kasabay ng paglabas ng balita tungkol sa isyu ng It's Showtime, kumakalat din sa social media ang viral claim na umano'y aalis na sa programa ang host na si Vice Ganda. Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kay Vice Ganda, sa ABS-CBN Corporation, o sa pamunuan ng It's Showtime hinggil sa naturang usap-usapan.
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng mga reklamong inihain laban sa July 24 episode ng noontime show.
Ayon sa MTRCB, pinapatawag ang mga kinatawan ng GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation upang humarap sa isang pagdinig at magbigay ng paliwanag kaugnay ng mga isyung ibinabato sa naturang episode.
Layunin ng pagdinig na talakayin ang mga reklamong natanggap ng ahensya at mabigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulang partido na maipahayag ang kanilang panig bago ito magpasya kung may nararapat na susunod na hakbang.
No comments:
Post a Comment