Naglabas ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng mga reklamong inihain laban sa July 24 episode ng noontime program na It's Showtime.
Ayon sa ahensya, pinapatawag ang mga kinatawan ng GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation upang dumalo sa isang pagdinig at magbigay ng paliwanag kaugnay ng mga isyung iniuugnay sa naturang episode.
Layunin ng pagdinig na talakayin ang mga reklamong natanggap ng MTRCB at mabigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulang partido na maipaliwanag ang kanilang panig bago gumawa ng anumang kaukulang aksyon ang ahensya.
No comments:
Post a Comment