Malaki ang ingay nang opisyal na ilunsad ng TV5 ang Star Worx, ang bago nitong talent management arm na pinamumunuan ng veteran star-maker na si Johnny Manahan o mas kilala bilang “Mr. M.” Marami ang napa-“wow” dahil ang taong nasa likod ng pagsikat ng ilan sa pinakamalalaking artista ng ABS-CBN ay ngayon ay nasa kampo na ng Kapatid Network.