Sa kabila ng mas nagiging kompetitibong telebisyon at patuloy na pag-usbong ng digital platforms, nananatiling matatag ang tiwala ng mga advertiser sa ASAP. Kapansin-pansin sa mga nakaraang linggo na halos punô ang commercial slots ng programa—isang malinaw na patunay na naniniwala pa rin ang malalaking brand sa lawak at lakas ng abot ng iconic Sunday variety show.